Posts

Showing posts from 2017

Kahalagahan ng Teknikal-Bokasyunal na pag-sulat

Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat Ito ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan Karamihan sa teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto. Ito ay payak dahil hangarin nito ay makalikha ng teksto na mauunawaan nang malinaw. Ito ay kailangang maging malinaw, maunawaan, at kumpleto ang binibigay na impormasyon. Kailangan ding walang maling gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian. Layunin ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat Upang magbigay alam. Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito. Upang manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon. Gamit ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala Upang magbigay ng kailangang impormasyon Upang magbigay ng intruksyon Upang magpaliwanag ng teknik Upang mag-ulat ng natamo (achievement) Upang mag-analisa ng may suliraning b